COUP DE GRACE

1892. Deadwood.

Buck Allison walked towards the local pub in Deadwood. His boots were covered in mud. It rained yesterday, the first in years. Inside, sweaty patrons and a local mariachi band from Juarez played some Mexican folk. Buck sat on the furthest bar stool, the spot he always sat on in the last six years.

“Chicory! Tequila,” Buck said to the bartender.

Chicory placed a fogged shot glass that was recently rinsed on the table and poured some tequila in it. The bottle was almost empty. Buck smiled and drank the liquor.

“Shit, that was some good tequila!” he said. He requested another shot. Chicory complied. He drank it all once it poured on his glass. He didn’t even gave the spirit chance to settle on its own. He just drank it all.

“Woah, easy on there Buck. You got any bucks in there?” Chicory asked him, demanding Buck to show money.

Buck, drunk and tipsy, got a 20 dollar bill on his jacket and placed it on the table. Chicory looked at the cash for the moment, after examining it, Chicory grinned then crumpled the cash, he then threw it in Buck’s shot glass. Buck was pissed, he didn’t do anything, why did the bartender acted like this? He asked Chicory: “What the fuck Chicory, what’re you doin’ huh? Why’d you threw the cash in my glass? You nuts?”

Chicory then slowly got closer to Buck’s face and talked in a somewhat sinister manner: “When I said a buck, I didn’t mean cash. I am referring to your soul, partner. Your time’s on the 25th, but hey, easy work for me if I off you now.”

Buck’s eyes swollen in fear as Chicory lifted his hand and sucked his soul from the back of his head. All of the patrons are dead, except Chicory, which reveals himself as the harbinger of death.

END

WHAT LIQUOR DOES TO A BUNCH OF IDIOTS

So birthday ni Mama at nag-celebrate kanina. She invited some guests para sa kaunting inuman at usapan, because she’s a solitary person, and once in a while, she craves human contact. There’s this two nutty drivers, one has a creepy look — another is sincere and friendly, maybe too friendly, who just needed to hold my hand while I was minding my business and forcefully makes me listen to his sings and praises, and how beautiful the Momster is. Exactly not a friend without deeper intentions. Another guy is your classic, hardworking guy who’s so hardworking, he didn’t have any children or interest in finding love at his late 50’s. I respect the guy, he respects my mom, he keeps her safe in numerous occassions, a reliable man and the one who turns on the flood pumper from the warehouse mom is currently guarding. He just loves FPJ, and hard gin. The other is her sister, who wants to pay her visit. We’re so glad to know that she left her abusive husband that looked like an excommunicated Triad.

I am too, was involved in the drinking session. First round was numerous shots of Jagër Bomb, without the fancy Red Bull — swapped with cheap Cobra. It has this soothing menthol-y, herbal taste without the bitterness other liquors have. I must say, it was a pleasant drinking experience. After the small bottle of Jagërmeister had dried up, we have to resort to the good ol’ Emperador Lights, who was literally smuggled from the next city because stores around our area won’t sell us shit because of the nonsensical liquor ban. After too many shots and hearing the guest’s multiple stories, and offerings about helping my Mom fetch my youngest brother who lives with my father in Catanduanes— I feel the need to quit. I don’t want to more shots. I even broke a perfectly fine chair because our floors are slippery as hell and can’t support my weight. So much for ‘can hold up to 200 kilos’ advertisement that the chairs desperately paraded in front of me at the store when we bought it. I only weight half of that, even lesser because of the Diabetes medicine. I must say, it worked wonders for me.

To the tune of background noises of an FPJ movie in full color, and in 360 pixels, I stumbled to my room, but still keeping composure since I don’t want to be laughed off. A while later, I got out and wanted to drink water, I noticed six new guests: one of my cousin and her boyfriend, who were there to greet my Mom (and eat too). Another is the new live-in partner my aunt introduced to us. He looked okay. I was too drunk to entertain with them. The last three are some of the workers in the warehouse my mom is stationed. They looked like a group of unsavory hombres, but I don’t judge people that easily. I got back to my room and after some browsing, fell asleep. My whole body at that point was numb and it feels good. Probably a good night sleep for me, see myself sober in the morning I guess.

I woke up again, Mom’s on my side, and my brother Ariel told me to keep my voice down. What for? Mom was confused and a bit afraid and annoyed. I asked her. The group of hombres came back after dropping off the first three  workers whom I sat down with a couple of hours ago. They were constantly knocking, and I asked why. My Mom said that maybe they want to drink more. My brother said that they were on to dark intentions. I mean, if you visited a house in the middle of the night with the lights off and doors shut, shouldn’t you understand that maybe the person is already sleeping and they should fuck off? But no, they keep on knocking. Getting louder and longer, and it annoys me the hell out. I suggested to ask them leave. At first, my Mom doesn’t want me to do it, but we shouldn’t cower inside like a bunch of idiots and act now, right? They also called her non-stop. I asked them to leave. I said my Mom was already sleeping and shouldn’t bother coming again because the landlord is a sensitive man and probably call the cops on them. At first, they were laughing like the cretins they are. That fat fuck, a skinny guy and the one who looked like that’s on crystal was laughing their ass off. After chatting with my Mom again, and suggested her to call 911, but she protested against it, I repeated what I said to them. The motherfuckers even torn a hole to our mosquito netted-window and tried to open the doorknob themselves. Finally, the fat fuck decided to leave. The two soon followed. After a while, they leave on their vehicles. Mom was afraid to open the doors but I insisted to lock the gate. Armed with a bottle of foamy mosquito repellant that acts as a blunt weapon and a poisonous sprayer to the face, I ventured outside. The bastards were gone. I locked the gate and took a piss. Then I got back again.

Mom covered the window with a towel and I said to her to go inside the room in case they got back again. Peace, for now. Crazy how people can affect their reasoning, emotional and decision-making skills after a drink. Why they’re like that? I crave sleep and get inspired to write when I am drunk. That’s why I wrote this. But them, they want trouble. Their decision skills are impaired.

What a bunch of phonies.

50/50: KUWENTONG PAIT AT TAWA

Kagabi, binalak kong tapusin ang buhay ko. Matagal rin akong tumingin-tingin sa kisame para maghanap ng magandang puwesto na pagtatalian ng sinturon ko. Medyo mahirap, dahil alam kong hindi ako magaan. Kailangan ko ng masasabitan na sa palagay ko ay hindi ako malalaglag dahil ‘di kaya nito suportahan ang bigat ko.

Alam mo ba na mahilig ako sa mga frozen na pagkain? Oo, alam ko… hindi healthy sa katawan pero hindi mo maikakaila na masarap ang mga ito. Madali pang lutuin! Masarap iyong sisig ng Purefoods e, pati iyong espesyal Chicken Tocino gawa nung Pampanga’s Best. Wala nang init-init sa tubig o kung ano pa mang kailangang sundin, mantika lang sa mainit na kawali, solb na! Isa pa, mabibili pa sa mga tindahan kahit saan. Ako nga, ang bilihan ko e mula sa isang barbero na may tindahan ng frozen goods sa labasan nila e. Pero ‘di ako nagpapagupit sa kaniya. Kakairita kasi iyong inaahitan ka sabay may bibili ng longganisa. Pagbalik niya, amoy bawang na ang kamay at malagkit pa, tapos ihahawak sa ulo mo? Yuck. ‘Di man lang mag-alcohol.

Matagal ko na rin pinagninilayan ang pagkitil sa sarili kong buhay. Maraming beses na ipinaalala sa akin nito na wala akong kuwenta. Isang taong may pangarap ngunit hindi kayang pangatawanan ito ng pangmatagalan. Nakakasawa na rin kasing sumubsob na naman sa lusak ang magpatuloy na gumapang ulit papaitaas, tapos bigla mong malalaman na umuulan na naman, kaya dudulas ka paibaba. Ayoko nang may mapinsala o magulo dahil sa mga kagagawan ko, labis akong nakokonsensiya.

Dami kong pinagdaanan para lang mahanap ang barbero ko. Lahat ng barberya e sinubukan ko, pero walang makatama sa hairstyle na dapat sa buhok kong mahirap pormahin. Hanggang sa na-realize ko na dapat gumastos ako ng higit pa sa singkuwenta para sa buhok ko. Habang kakakuha ko lang sa sahod noon nung nagtatrabaho pa ako sa isang mall, nakita ko iyong isang barberya malapit sa tinatambayan ko para pagyosihan tuwing break. Pumasok ako at umupo. Tinanong niya kung anong gupit ang gusto ko. Sumagot ako, ang sabi ko ay kung anong babagay sa buhok. At aba, sa unang pagkakataon sa buhay ko, may isang barbero na marunong humawak sa klase ng buhok ko. Dati raw siyang barbero sa isang sikat na salon sa Maynila. Umalis lang siya kasi mahirap raw ang biyahe at gusto niya rin magbukas ng sarili niyang pagupitan. Akala ko tapos na iyong gupit sa akin. May pa-shampoo pa pala, massage at pa-facial cream na may kasamang massage rin! Sa sobrang tuwa ko sa serbisyo niya, feeling ko ang pogi-pogi ko. Napabili rin ako ng hair wax niya na halata naman na nakita ko sa isang tiangge sa Caloocan at iniba niya ang label. Pero ‘di bale na, sa halagang 120 pesos, babalik ang confidence mo sa sarili mo.

Nabigo ako maging isang tao. Kaya hindi ko na pahahabain pa. Tiwala naman ako na hindi ako bibiguin ng aking sinturon. Aba, gawa ito sa purong balat, sabi sa akin ng tindero. Itong sinturon na ito ang nagpapaalala sa akin na minsan, naranasan kong mapakinggan at mabigyan ng atensyon. Pero wala na lahat iyon, at kailangan na dapat lumisan.

Dati, buwisit na buwisit ako magpagupit at papaabutin ko pa ng tatlong buwan bago ako ulit magpatabas? Sa kaniya, wala pang isang buwan ay bumalik na ako. Ganoon pa rin, de-kalidad na gupit at serbisyo at ekspertong advice sa pagaalaga ng buhok ko ang natanggap ko. Sabi ko sa kaniya, irereto ko siya sa mga kakilala ko. Idadala ko rin ang kapatid ko sa kaniya sa susunod kong bisita.

Sinubukan kong gawin ito sa aming labas-bahay, kung saan may matibay na bakal na sa palagay ko ay kayang buhatin ang timbang ko. Pagkatapos, nagsimula kong hugutin ang sinturon mula sa suot kong maong. Siniguro ko ring mahigpit ang pagkakalagay ko sa sinturon at hindi dudulas sa parteng may mahihipo ang paa ko na semento.

Dinala ko nga ang kapatid ko, at pati siya na-hook na rin sa barbero ko magpagupit. Walang tigil na pinupuri ang gupit at serbisyo niya hanggang pag-uwi. Napansin ko rin na mas naging masaya siya. Sino bang ‘di sasaya kapag nakita mo iyong buhok mo na hindi mukhang napag-tripan? Ako nga dati, may gagong barbero na inalis iyong ‘Goku hairline’ ko kasi ‘di raw bagay. Aba, inahit pataas. Pero ang mas masaklap doon, nasarapan sa pag-ahit ang gago! Nagmukha akong mapapanot na Kano. Hindi na ulit ako bumisita doon.

Inilagay ko ang aking huling sulat sa kanan kong bulsa, nag-ayos ng mukha at nagsimulang ipasok ang leeg ko sa sinturon. Mahigpit, nakakasakal, masakit: na tamang-tama para sa gusto kong gawin. Ngunit bago ko pa man magawa iyon ay may dumaan na traysikel sa harapan ko. Alam ko, hindi niya naman ako nakita dahil madilim ang puwesto ko at hindi rin bumukas ang street light, pero paano kung makita niya ako habang nakabigti, at isalba ako? Ang kahahantungan ko ay brain damage. Mas masaklap pa sa kamatayan iyon. Ni hindi ka makakagalaw. Nakakulong ka lang sa isipan mo, habang-buhay. Mabuti kung may mabuting nars o doktor na tatapos sa miserable mong buhay, sabay susunugin ka sa crematorium at idedeklara ang sanhi ng pagkamatay mo ay COVID. Malabong mangyari iyon. Dali-dali akong umalis sa puwesto at umupo na parang nagseselpon lang.

Inilusot ko ulit ang ulo ko sa sinturon. Sana ay wala nang perwisyo pa, gusto ko lang mamatay na may katahimikan. Pero, nung ihahagis ko na ang sarili ko paalis sa tinutungtungan ko, biglang bumaba ang suot kong maong. Masyadong maluwag. Ayokong magmukhang namatay ako dulot ng erotic asphyxiation. Ayokong makita ang memoriam ko sa Letterboxd na may nakasulat na “namatay kagaya ni David Carradine” o gawing katatawanan ng mga edgelords sa internet at malaman na movie buff ako at mistulang ginaya ko iyong pivotal scene sa World’s Greatest Dad.

Pumasok ako ulit sa loob ng bahay, gumugol rin ako ng kalahating oras sa paghahanap ng maisusuot na hindi kailangan ng sinturon. Lahat, maluwag. Medyo nawala na ako sa mood na kitilin ang buhay ko. Pero nandoon pa rin ang motivation. Kaya imbis na magpakamatay, nagluto ako ng piniritong itlog at nagsangag ng kanin. Huling hapunan ba, kumbaga. Nagtimpla rin ako ng kape, sabi ko sarili ko, dapat ganito kasarap ang kape sa lamay ko. Tapos nairita lang ako kasi alam kong instant coffee lang iyon. Nag-Facebook ako habang kumakain at doon, nanumbalik ang tulak ng pangarap kong mamatay. Lahat sila may narating na. May mga album, sariling librong naisulat. Sinagot na sila nung nililigawan nila. May bagong bahay at lupa. Kaban na lalong nadaragdagan. Bagong trabaho. Bagong alaga. Bagong pundar. Bagong halaga sa buhay. Bagong mga kaibigan. Habang ako, parang gago lang. Sinasarili ang nararamdaman. Humihingi ng tulong hanggang dumating sa punto na tanging sarili lang ang dapat sandalan. At ang tanging solusyon ay ang sariling buhay ay dapat nang wakasan.

Gusto ko magkaroon ng touch of classiness ang mga isinusulat ko, pero kapag maghahanap na ako ng mga salita, nasusuka ako bigla. Tingin ko sa mga salitang iyon e pretentious at dapat iwasan. Ang pananaw ko kasi, mas priority ang dapat maintindihan ng mambabasa ang isang akda kaya i-display niya ang abilidad na mag-describe ng isang salita gamit ang tatlong-daan pang ibang salita na may kaparehas na kahulugan. Pero iyon nga ang punto, ginagawa nila iyon as artistic expression o baka talagang makata lang sila. Siguro, sige payag na ako. Pero use sparingly lang, masakit sa mata kasi kapag tadtad ng highfalutin shit e. Iyong akala kong pangalan ng sofa o cooking ware mula Ikea, salita pala na nagsasaad ng kilos. O baka sadyang mapili lang ako at excuse lang dahil hindi ko maintindihan kasi ‘di ako kabilang sa high society?

Isa pa, kahit na gusto kong mamatay, mahalaga sa akin ang aking hitsura. Ayokong magmukhang tanga sa kabaong, pero ang rinig ko kasi, aayusin naman iyong mukha mo ng mga make-up artists sa purenarya kung nagkataon. Kung ililibing ako at hindi magiging abo kaagad. Hinintay ko munang mawala iyong mga naglalakad at mga napadaang nakasakay sa motor at kotse. Akala ko, wala na akong makikitang tao kapag alas-dos ng madaling araw dito sa lugar namin, meron pa rin pala.

Mayroon naman akong barberong binisita dati, may totoong shaving cream na gamit imbis na tipikal na tubig at may pa-aftershave pa. Ayos na sana e, nilagyan pa naman nung aftershave iyong patilya ko, putangina kala mo sinunog iyong balat ko sa hapdi e. Pero siyempre, dapat all smiles ka lang at kunwari wala lang. Baka gilitan ako ni Manong kapag umalma ako e, ang usapan pa naman nila nung isa niyang kaibigan na gurang din e kung sino raw ang pinakamagaling na serial killer at kung dapat daw bang ikonsidera na ‘pinoy pride’ na ang killer ni Versace e Pilipino. Hey…pinoy pride.

Maya-maya, naramdaman ko na ang kapayapaan. Huling oras ko na ‘to sa mundo, kaya nambuwisit muna ako sa social media. Kaso isang salita pa lang iyong binitiwan ko, banned na kaagad ako ng isang linggo. Pahiwatig na rin siguro na tigilan ko na ang paligoy-ligoy at tapusin ko na ang sarili ko.

Gusto ko magkaroon ng touch of classiness ang mga isinusulat ko, pero kapag maghahanap na ako ng mga salita, nasusuka ako bigla. Tingin ko sa mga salitang iyon e pretentious at dapat iwasan. Ang pananaw ko kasi, mas priority ang dapat maintindihan ng mambabasa ang isang akda kaya i-display niya ang abilidad na mag-describe ng isang salita gamit ang tatlong-daan pang ibang salita na may kaparehas na kahulugan. Pero iyon nga ang punto, ginagawa nila iyon as artistic expression o baka talagang makata lang sila. Siguro, sige payag na ako. Pero use sparingly lang, masakit sa mata kasi kapag tadtad ng highfalutin shit e. Iyong akala kong pangalan ng sofa o cooking ware mula Ikea, salita pala na nagsasaad ng kilos. O baka sadyang mapili lang ako at excuse lang dahil hindi ko maintindihan kasi ‘di ako kabilang sa high society?

Isa pa, kahit na gusto kong mamatay, mahalaga sa akin ang aking hitsura. Ayokong magmukhang tanga sa kabaong, pero ang rinig ko kasi, aayusin naman iyong mukha mo ng mga make-up artists sa purenarya kung nagkataon. Kung ililibing ako at hindi magiging abo kaagad. Hinintay ko munang mawala iyong mga naglalakad at mga napadaang nakasakay sa motor at kotse. Akala ko, wala na akong makikitang tao kapag alas-dos ng madaling araw dito sa lugar namin, meron pa rin pala.

Maya-maya, naramdaman ko na ang kapayapaan. Huling oras ko na ‘to sa mundo, kaya nambuwisit muna ako sa social media. Kaso isang salita pa lang iyong binitiwan ko, banned na kaagad ako ng isang linggo. Pahiwatig na rin siguro na tigilan ko na ang paligoy-ligoy at tapusin ko na ang sarili ko.

Pinatay ko nang halos ilang daang beses na rin ang aking sarili sa iba’t ibang senaryo sa isipan ko. Tumalon mula sa mataas na gusali, malunod sa maduming ilog, gilitan ang sarili, nilaslas ang pulso, magpabangga sa rumaragasang bus, hayaang lamunin ng malubhang sakit, mabaril, makidnap ng cartel at pagpira-pirasuhin, at mamatay dahil sa labis na kalungkutan. Pero bakit hindi ko pa rin magawang tapusin ang buhay ko ngayon na totohanan?

Alam ko sa sarili ko na pasok ako sa criteria at may malinaw na tiwala sa sarili na gawin ito, pero kapag gagawin ko na, laging may humahadlang sa aking gagawin o ang mas masaklap, hindi ka na makatayo o makagalaw dahil sa labis na kalungkutan? Kailangan ko pa bang mabuhay? Bakit? May nalalabi pa bang dapat akong gawin sa mundo?

Masyadong masakit na, araw-araw nagdurusa ako sa sakit ko, mapahirap o ginhawa, walang nagbago sa akin, kahit na paulanan ko pa ang sarili ko ng walang hanggang advice mula sa mga motivational coaches, self-help books at mga litrato ng mga sikat na personalidad na may quote o advice na hindi naman sinabi, ay hindi pa rin umubra sa akin. Kailangan ko ba ng tulong? Siguro. Pero may halaga lahat ito, at ayokong gumastos para dito. Hindi dahil sa kuripot ako, kundi dahil wala naman akong kukuriputin. Lahat ng kinita ko dati sa mga raket at trabaho ay nagastos na para sa mga minamahal sa buhay, ang unahin ang kaligayahan nila at ang kanilang pangangailangan — dahil masaya ako kapag masaya sila. Hanggang sa paalahanan ako ng sarili ko na may hangganan ang lahat ng ito.

Siguro, kapag may sapat na ako na lakas ng loob ulit at kung magtama ang mga tala, ay susubukan ko uling tapusin ang buhay ko. Alam ko, may problema ako, hindi lang dahil talo lagi ako sa buhay o kaya may problema ako sa aking personalidad kaya ganito ako. May problema ako. Araw-araw kong tinitiis lahat, ang hindi mawalang sakit na ito simula pa nung magkaroon ako ng tunay na pagmulat sa buhay. Sabi nila, ang totoong gustong mamatay, hindi pinagkakalat ang gusto nilang gawin. Iba-iba naman ang tao. May masaya dahil lilisan na sila. Mayroong hindi kasi lilisan na sila, pero kailangan nilang gawin iyon sa palagay nila dahil iyon lang ang mag-aalis ng sakit.

Kabayanihan ba ang pagkitil sa sariling buhay? Katapangan ba ito o akto ng isang makasariling indibidwal? Tingin ko ay hindi. Tingin ko, mas malapit ito sa paghanap ng solusyon sa isang sakit na hindi magagamot. Kaya kahit nakakaangat ka pa o nasa iyo lahat ng pribilehiyo, kapag dinapuan ka nito, ay walang silbi ang lahat ng iyan.

May kurot ng lungkot at saya sa mga oras na akala ko, magwawakas na ang buhay ko. Kalungkutan dahil alam mo ang gagawin mo ay babago sa takbo ng buhay ng mga mahal mo sa buhay, o hindi. Pero ano pa man doon ay nakakalungkot. Kasiyahan dahil sa wakas ay hindi ka na magdurusa, wala nang kagutuman o paghihirap. Walang hanggang pagtulog lamang. Alam ko, magandang pakinggan. Iba ang dating kung nakaranas ka pa ng trauma sa buhay, katulad ko.

Medyo inaantok na ako. Isa lang ang alam kong totoo, na ang pagsulat ay mabisang pagkontrol sa depresyon o kalungkutan o kung ano mang nararamdaman mo na nagtutulak sa isang tao na magpakamatay. Kailangan kong magpatuloy na magsulat, dahil kung hindi, maiisipan ko na naman na tangkain ang gusto kong gawin. At baka sa susunod, magtagumpay na ako.

SHITLERJUGEND

Medyo surprised ako sa amount ng mga confessions sa MTF-ELCAC group about how they are little Hitlerjugend aspirants dati. Kasi nung mga ganoon ang edad ko sa kanila (12-14), I was so into wrestling and movies, ang laging problema ko e kung paano makakabili ng next issue ng K-Zone, magtipid ng pera para makabili ng sale na VCD sa Video City at tumitig sa merch ni CM Punk sa WWE website na kunwari kinukuwenta ko pa kung magkano ang twenty dollars sa pesos, kaya inisip kong ipunin, kaso nung nalaman kong may bayad ang shipping — sumuko na lang ako. Yung apron ko nga nilagyan ko ng Y2J na lettering, putangina tawa nang tawa yung kaklase ko e taena walang basagan ng trip, e siya nga fan nung Revival album ni Eminem, ‘di ko naman nilalait.

Nakatulong rin yung encyclopedia na binabasa ko dati, nagkataon na letrang W iyon, kaya pasok ang topics ng parehong World War. Na-gets ko naman kahit papaano nung Grade 5 ako kung ano ang ganap nung nangyaring giyera. Sino ang Allies, sino ang Axis Powers. Sino ang agrabyado. Taena lang nung teacher ko, inarbor yung encyclopedia ko, tapos ginawang teaching material. Hindi ko na kinuha hindi dahil “gUsTo KoNg MaRaMi pAnG mAtUtOnG bAtA”, kasi Grade 5 lang ako noon. Wala akong pakialam sa ganoong shits. Mahiyain lang talaga ako kaya hindi ko na tinanong.

Although, hindi naman spic and span ang aking track record, panandaliang naging simp rin tayo sa America dahil noong around Grade 3 ako e lagi akong may magazine na about sa U.S. Military. American Legion ang name. Medyo namangha siyempre sa kool gunZ at jets nila, pero sa huli mas naging inclined pa rin ako sa commercials doon. I love examining commercials. Lagi kong iniisip, what makes this commercial of Tampico orange juice so attractive? Ah kasi, amoy orange din iyong pahina tsaka may texture yung mismong picture ng orange.

Isa pa kaya hindi rin ako naging panatiko ng military e iyong pinsan ko. Nag-sundalo yon tapos naging tagahilot lang ng Colonel. Tuwang-tuwa pa siya habang kinukuwento e. Sa ngayon, may bike iyon na painted camouflage, dati bibili lang ng tamban sa palengke iyon, may gulok iyon sa tagiliran tapos magsusuot ng Army shirt, fatigue pants at farmer hat. Parang gago lang e. Tsaka isa, yung First Blood, naglingkod sa bansa tapos ang reward PTSD, powertrip at manhunt sa kanya.

Fuck that.

Kaya yung mga nagsasabi na “there are no atheists in foxholes,” hindi kaduwagan iyon. Marunong lang mag-isip iyong mga iyon, kumbaga nag-research muna at nag-background check sa papasukan mong trabaho, then nalaman mong shit pala, bakit sasali ka pa ring bobo ka?

PAG-ALIS

PAG-ALIS

Heto na nga, may side ako na hindi ko pa naikukuwento. At ito ay kung paano ko iniwan iyong huling trabaho ko. Kilala niyo ako rito, kung ano ang ipinapakita ko dito ay kung ano talaga ako. Walang labis, walang kulang. Napakahaba ng pasensiya ko at hangga’t maaari, propesyunal at assertive ako sa mga bagay-bagay at kung paano ako makitungo sa mga katrabaho at costumer ng store na pinapasukan ko.

Sa madaling salita, kahit na katiting ang sahod ko ay mahal ko ang trabaho ko. Naiinis ako kapag mapanghi ang banyo na para sa costumer, naiirita kapag may naiiwang mga kalat sa lababo at naglalawang tubig sa utility room, kapag amoy paa iyong pinagbababaran ng mop. Kapag maraming bakat ng kamay iyong malalaking glass panel, kapag dugyot ang sahig sa dining area, kapag puno na ang lalagyan ng basura, kapag hindi maayos ang pagkakasuksok ng bawat upuan sa mga lamesang katatapos lang okupahan. Alam kong hindi gaanong kaganda ang pasahod at kung tutuusin ay sa akin pa lang, kulang na kulang na ang kinikita ko tuwing kinsenas, samahan mo pa ng pansit-pansit na schedule at kupal na kasamahan e talagang lalabas ang sungay mo.

Ayokong sinasagad ako. Ayokong nagagalit rin ako. Hindi masarap sa pakiramdam ang magalit, para akong aatakihin sa puso. Kaya iniiwasan ko. Alam kong medyo mapangil ako kung magbahagi ng mga opinyon ko rito at may pagkamagaspang ang pananalita ngunit sensitibo rin akong tunay, kaya nga naging alagad ako ng sining e.

Pebrero 14. Araw ng mga Puso. Para akong kabayo na tumakbo ng bente-kuwatro oras dahil sa tindi ng hapo ko nung okasyong iyon. Iyong mga tao, akala mo rumaragasa sa dami. Tipong kukurap lang ako sa isang lamesang may kumakain, pagdilat ko iba na ang nakaupo at lumalamon. Iyong trabahong dapat sa tatlong tao ay pinagkasya sa akin, paano ba naman: singkuwenta’y dos na kapasidad ng resto (104 kung walang pandemic) tapos ako lang ang drayber ng buong show? Hindi naman pupuwede iyon. Pero anong gagawin ko, kailangan kumita ng pera. Do it or fuck off, ika nga. Kaya ginawa ko ang trabaho ko, kahit sobrang hirap at talung-talo ako. “Kasama sa trabaho iyan,” sabi ng nanay ko. Binuhos ko lahat ng lakas ko noong araw na iyan, tutal rest day ko kinabukasan.

Maya-maya, habang naghuhugas ako ng kamay, naaninag ko iyong schedule na nakapatong sa tabi sa bun toaster. Nilapitan ko para tignan. Putangina. May pasok ako bukas, hindi maaari. Binuhos ko na lahat ng lakas ko, kailangan ko mamahinga. Isa pa, may interbyu ako sa in-apply-an kong trabaho bilang Graphic Artist sa bandang Commonwealth. Face-to-face na raw kami, mukhang matatanggap ako. Gustuhin ko man magtagal e hindi na kaya, kailangan ng mas maraming pera. Nagreklamo ako sa isang OSS (On Site Supervisor) ko, tawagin natin siyang Mabuti. Dahil mabuti siya. Pero muntik ko na siyang bansagang Masama dahil medyo inis ako dahil sa pagbabago ng schedule ko.

“May pasok ako bukas? ‘Di ba seventh day ko na Ma’am?” paliwanag ko.
“Hindi pa, Jude. May pasok ka bukas. ‘Di ba AWOL ka noong Martes?” bawi niya sa akin.

Depensa ko lang, hindi dapat ako AWOL noon dahil dapat may pasok ako noong hapon talaga nung Martes na iyon. Natulog ako ng late, gumising ng tanghali. Pagbukas ko ng Messenger, tumambad sa akin ang mga message ng tatlong OSS. Pinapapasok ako ng alas-nuebe dahil may papasok na sa hapon, iyong paalis na. Siyempre, bakit pa ako papasok ng hapon ‘di ba, kasi may tatao na pala sa akin sa hapon. Siyempre nag-enjoy ako, extra rest day. Naglaro ako ng Crossfire. Pagkauwi ko, hinugot ang charger sa cellphone ko at tumingin ng mga mensahe. Silang mga OSS na naman. Bakit ‘di raw ako pumasok. AWOL raw ako, putangina naman. E iyong isang katrabaho ko ngang matagal na doon pero hindi pumasok ni reply wala, hindi nilagyan ng AWOL. Ako itong nagulumihanan sa scheduling management nila pa ang nakasalo ng parusa. Nagpasa ako ng resignation letter kinabukasan. March 12 ang alis ko. Halos isang buwan rin bago ako makaalis.

Okay, mabalik tayo. Hindi pa pala ako seventh day noon. Pero may mga instance na umabot ako ng walong araw na diretsong pumapasok pero maaabutan ko iyong time card ko na may nakasulat na rest day sa araw na pinasukan ko. Ewan ko kung anong hokus pokus na kagaguhan ang ginawa nila. Sabi ni OSS Mabuti e hindi naman siya nagpapapasok ng seventh day. Ang problema, hindi naman siya laging gumagawa ng schedule. Swap sila ni OSS Powertrip. Iyong pangatlong OSS naman na si OSS Bachelor, oks naman. Wala akong problema diyan. Wala akong magawa kasi iyong ebidensiya na pumasok ako, doktor na. Bakit ko naman lolokohin ang sarili ko, ‘di ba? May tensyon kami ni OSS Mabuti, pero nagkabati rin naman pag-uwi ko.

Kailangan kong pumasok kinabukasan noon. Medyo disappointed pero ganoon talaga e. Nainis ako pagdating ko kasi dogshit ang pagsasalansan ng mga upuan, ang hirap i-rearrange. Ang dumi ng utility room, kaya inayos ko pa ulit at nilinis. Medyo gahol dahil na-late pa ako ng siyam na minutos. Si OSS Powertrip ang cashier sa umagang iyon. Iyong katrabaho kong babae na close ko, ni hindi ko makausap ng maayos dahil ginawan pa kami ng isyu ni OSS Powertrip na huwag masyado magdikit kasi baka masesante kami. Fuck that, wala namang malisya sa amin. Tsaka, rare breed sa kanila ang makatagpo ng isang lalaking tulad ko pagkakaibigan lang ang pakay sa isang babae.

Sa madaling salita, natapos ko ang trabaho ko noong umagang iyon. Nakapagbukas ng store at nag-prayer. Ako pa pinagdadasal ni OSS Powertrip, alam naman niya at nila na atista ako, ilang beses na nila ako pinagdasal. Hindi naman kryptonite sa akin ang pagdadasal, sadyang kawalan lang ng respeto sa akin ang hindi paggalang sa paniniwala ko, sila nga ginagalang ko e. Bakit ako, hindi nila maigalang?

Ginawa ko kaagad pati miscellaneous cleaning tasks ko kasi medyo aburido nga ako at para medyo makapagpokus sa trabaho ko na mag-serve. Nagpunas ng lamesa at acryclic panel. May nakalas pa nga na isa e, sinabi ko sa manager kong itatago natin sa alyas Manager Old. Ayon, pinakumpuni niya naman sa isa kong katrabaho. May mga kostumer na dumating kaya busy na si OSS Powertrip sa pagiging kahera. Ako naman nakatayo na sa station ko kasi tapos ko na lahat. Maya-maya, napansin ata ni OSS Powertrip na wala na akong ginagawa, kaya tinanong niya ako kung nalinis ko na ba ang banyo. Sabi ko oo.

E iyong mga lamesa raw.
“Tapos na Ma’am.”
Iyong U.R. (utility room) raw.
“Tapos na rin Ma’am.”

Medyo nainis ata siya kasi ako tapos na sa mga gawain ko, siya may ginagawa pa rin. Okay na sana lahat, kaso may bigla akong narinig galing sa bunganga niyang matabil.

“Hindi por que paalis na kayo rito e tatamad-tamad na kayo ha!” sabi niya.

Nagpanting ang tenga ko. Boiling point. Summit ng Mount Punung-Puno Na Ako Putangina Mo. Buti sana kung ngayon ko lang narinig siyang ganiyan e. Tuwing may saglit na naguusap kami ng mga katrabaho ko e sinisita niya kami na hindi raw kami binabayaran para dumaldal e siya nga kapag makipagkantiyawan ang lakas ng boses at kapag tumawa, parang supervillain. Alam mo iyong pakiramdam na ginagawa mo naman trabaho mo, mabuti ka naman sa kaniya, nakikisama ka naman at iginagalang siya bilang may posisyon—pero siya ang tingin sa ‘yo e galamay na pasusunurin lang? Ni hindi nga siya ang boss, astang akala mo maipapamana sa kaniya iyong resto.

Bumalik sa akin ang lahat, iyong pagiging douchebag niya sa akin, iyong paggawa niya ng isyu dahilan upang lumayo ang loob sa akin ng kaibigan ko, pati iyong pagiging papansin niya sa mga kilos ko.

Nilapitan ko siya ang kinompronta.

“Anong sabi mo?”

Iniba niya ang kuwento, ang sabi niya pinaglilinis raw niya ako. Ang depensa ko, tapos na ako. Sabi niya malabo pa ang acrylic barrier sa mga lamesa. Sabi ko, hindi na lilinaw pa iyon dahil hindi naman salamin iyon, nagagasgas at lumalabo talaga na kahit anong linis mo e hindi na kikintab na parang bagong labas lang sa lalagyan.

Hindi nagpatinag si OSS Powertrip. Masama raw ba na paglinisin ako kasi kapag nadatnan ng Safety Inspector na madumi e siya ang mapapagalitan. Pilit kong tinatanong siya kung bakit niya sinabi iyong linyang iyon, kung bakit kailangang may pahapyaw pa na ganoon. Masyado na e, sobra na. Tama na. Ako na raw maging cashier. Goods kako, ako nag-punch ng order nung lolo. Tinuruan ako nung kaibigan ko. Nakita ng manager na bago. Sabi niya bakit raw ako nagkakahero. Sinabi ko nangyari, at nilapitan niya si OSS Powertrip na desperadang pinapakintab iyong acrylic gamit ang Glass Cleaner, na hindi naman glass cleaner solution ang laman talaga kundi normal lang na restaurant-grade detergent. Bitch, it ain’t glass. Hindi iyan kikintab. Mas mauuna pang pumuti si Michael Jackson.

Lapit siya agad sabay sapaw sa akin. Sumbong nang sumbong. Nagpapaliwanag ako, bigla siya dadakdak sa mga sinasabi ko, ni hindi man ako pinapatapos. Napakabastos. At ayon, sa sobrang gigil ko e, I snapped. I fucking snapped. Naiyak ako sa galit, total meltdown. Kung lalaki lang siya, plinantahan ko iyong mukha niya ng kamao ko pero hindi e, kaya umiyak na lang ako sa frustration. Masakit sa pakiramdam na may gumagago sa iyo kahit na ginagawa mo naman ang trabaho mo. Sinabi ko na galit ako kasi pinagiinitan niya ako at ginawan pa ng isyu, nalaman ko pa sa Senior Crew. Aba, siya pa may maganang magalit sa nagmalasakit lang sa akin na ipaalam ang isyu.

Pinag-break muna ako ni Manager New. One hour. Umiiyak pa rin ako. Puno ng frustration at disappointment. Talung-talo ako, lugi. Kinausap ako nung isang Senior Crew doon, aminado siyang problematic talaga si OSS Powertrip. Ako naman, gusto ko nang umuwi. Gusto ko maglaho, mag-teleport. Kinausap ko si Mama, nagpasundo ako. Sabi ni Mama, uwi na lang ako. Susubukan ko kamo. Kalalaking tao ko raw napapaiyak ako ng babae. Ayaw niya raw pumunta at baka kung ano lang masabi niya.

Maya-maya, kinausap ako ni Manager New. Umiiyak pa rin ako. Tinanong niya ako kung ako lang ginaganoon ni OSS Powertrip. Sabi ko halos lahat. Sabi ko uuwi na ako. Tinanong niya ako kung gusto ko pa magpatuloy sa shift. Sabi ko ayoko na muna. Pinapapasok niya pa ako, at sinabing kung puwede magtrabaho ako sa mga susunod na araw na walang kibuan sa nakaaway ko. Ayoko noon. Maliit na mundo ko noon. Sinabi kong papasok pa ako, pero ayoko na.

Pinauwi ako nila, nakipagusap sa tindera sa tabi na parang lola ko na rin. Napayosi kahit hindi sanay, pampawala ng stress. Nagkuwentuhan pa kami ng isang oras, pinakinggan ang hinaing ko. At pinakinggan ang mga hinaing niya. Umuwi na ako pagtapos.

Nagdaan ang mga araw, napagdesisyunan kong huwag nang pumasok. Kinausap ako nina Manager Old #2 at nung dalawang OSS na si Mabuti at Bachelor pero ‘di na muna ako sumagot. Nagdaan ang ilan pang araw at kinausap ko si OSS Mabuti at nagpaliwanag.

Kailangan ko raw tapusin iyong araw ko para makapag-clearance ako. Isip ko, para saan pa? Oo, alam kong kailangan ko mag-clearance pero kailangan ko ba talaga? Puwede ko namang burahin na lang sa resume ko ang experience ko sa kanila na parang walang nangyari. May mga ilan nga silang pinaalis kaagad na hindi umabot ng isang buwan. Iyong iba, isang linggo lang. Iyong iba, ilang araw lang. Sa tingin ko, sapat na iyong nangyaring pag-aaway namin upang bigyan ako ng garantiya na hindi na muli pang bumalik. Kung kakasuhan nila ako sa pagabandona, anong habol nila sa akin? Wala. Wala rin naman akong pakialam kahit na sumama pa ang rekord ko sa agency. Mas masama ang rekord nila sa akin dahil exploiter sila ng mga trabahador, at ang restong pinagtrabahuhan ko ay pugad ng matinding sipsipan na hindi patas sa mga nagtatrabaho doon. Isa pa, inalis na rin nila ako sa official group chat, habang umalis ako kanina sa schedule group chat.

Binura ko ang mga transaksyon ko na related sa luma kong trabaho. Kailangan ko ng bagong simula. May kontak pa rin ako sa katrabaho kong may kaparehas kong sentimiyento at umalis dahil hindi na nila masikmura ang sistema.  Iyong kaibigan kong babae naman, nandoon pa rin, malamig na sa akin. Hindi na kami gaano naguusap. Sana, busy lang siya.

Ngayon, may bago akong trabaho at bagong panimula. Natuklasan kong sa kabila ng mga nangyari ay may mga tao talagang may magpapahalaga ng kaalaman mo at maniniwala sa iyo, kumpara sa mga kumpaniyang walang pakialam sa mga trabahador nila at ang tanging layunin lang ay makabenta, ang pasahod ay hindi pa makakabuhay. Sa isang banda, mistulang nandidiri pa ang kumpaniyang ito na bumuo ng relasyong direkta dahil imbis na sa kanila makipagusap, ay ipinadaan pa sa agency na ang tanging layunin ay tumaga pa ng kita sa maliit na ngang sahod nila. Masaya ako, dahil hindi man ako nakatapos pa ng pag-aaral ay mga taong handang bigyan ako ng pantay na oportunidad upang patunayan ang sarili ko, palaguin ang nalalaman ko, at gawin kung saan mang aspeto ako magaling.

WAKAS

PAK-A-SEAT™: THE REVOLUTIONARY LIGHTWEIGHT, MILITARY GRADE, SPACE AGE AND PHILIPPINE CHILD CAR SEAT COMPLIANT VIBRANIUM CHAIR FROM PICO-WAYB’S SeatWorkz®

Do you constantly worry about the safety of your 12-year-old child? Do premonitions flash into your head with visions of your old-ass son or daughter flying like a frisbee, 250 miles an hour after a massive car collision? Do you worry that your child’s driver will be Stuntman Mike McCay and his car is 100% death proof, but if only he or she is seating in the driver’s seat?

Then worry no more with the revolutionary Pak-A-Seat™ from PICO-WAYB SeatWorkz®! Pak-A-Seat™ is a lightweight, easy to carry, military-grade deluxe child seat! This ultra-slick and safe foldable child seat is made from the finest vibranium from Wakanda’s rich mines. Pak-A-Seat can hold up to 300 pounds of weight and its high tech, state of the art, industry-grade, space-age ShockAbzorb™ patented system is designed to absorb as much weight as possible without compromising the integrity of the original car seat, and it holds for up to 10,000 pounds of pressure during sudden car crashes* (*Magnolia & Baker, car seat tests — Frankfurt, Germany — 2018) and can last up to 500 years without even single wear or tear! The seat is made from brachiosaurus jewel leather mixed with Kevlar and nylon taffeta.

It is TUV-Rheinland ISO 9001-2021 certified and Philippine Child Car Seat Law compliant, so get yours now for a ridiculously discounted, direct from the manufacturer, special TV offer price! It’s not 50,000! It’s not 40,000, not 30,000 or 20,000 nor 10,000 and hey, it’s not even 5,000 pesos! We’ll even include a special Pak-A-Seat™ Instruction DVD, Gordon Ramsay’s Travel Lunch cookbook, and a waterproof spare seat cover so you can bring your Pak-A-Seat™ on camping or hiking trips! So pick up the phone and order Pak-A-Seat™ now and try it for 30 days, and if you didn’t like it…you can send it back to us, no questions asked, but we’ll let you keep the freebies as a gift for trying our product!

So pick up the phone and dial 8-7000-9699; that’s 8-7000-9699! We accept credit cards, cheques, and C.O.D.! So what are you waiting for? Order now!

What are you waiting for? Order your very own Pak-A-Seat™ now for your non-existent car!

MARS BARS: THE NEW AGE!

One summer in 2008, my bored ass started scribbling random stuff on my notebook. From mock luxury chocolate store catalogs, DVD posters, magazine articles, and ads down to an Indiana Jones and the Crystal Skull artwork with Indy’s nose being busted as hell—Mars Bars was born. He was part of my childhood. Long story short: I was inspired after reading a borrowed comic book copy of Freely Abrigo’s “Kulas” series and I decided that I need to top that. But I don’t know-how. Freely knows how to draw cool stuff, while I do not since my stepmother keeps on shitting on my works every time. Starting from a couple of pages, Mars sprung from my mind to paper. And even though I want to draw him as a full-bodied guy, stick figures are the only mode of drawing I can do, but it worked for me. From the early beginnings of ripping off Freely’s jokes down to creating original content, Mars Bars are my training ground in writing. And through that journey, I have written a full 80-page notebook full of comics but sadly, my stepmother punk’d that too by throwing it away when I was away from home so I just remember its glory through my memory. But my family and relatives, knew I have that notebook and all I am telling here isn’t pure bullcrap at all. Mars’ universe just keeps on expanding. Soon, many joined. There’s Palla Matumla, his best friend from South Africa. Then there’s Chivie Jupiter, a timid but loyal guy. Hershey Bars, Mars’ obligatory love interest having a love triangle with Chivie. Connolly, a sheriff; Nato, a slow brained guy who moonlights as coconut vendor at night, Chateau—a nervous but smart guy (trivia: Siakol was just promoting their new single way back when they are not as popular as they are today in the radio when I mistakenly heard them as Chateau). Pieter Vermeulen, a South African hitman looking for Palla Matumla to execute him and many more. Here are my first three comic strips of the year, but I am updating them from time to time.

#1 Happiness? — Mars’ bought a seemingly harmful thing to ‘cure’ his loneliness.
#2 Douche and Douchier — Palla has guilt over being a prick one time at a waiter after he shouted at him compulsively, but Mars tells him that there’s an even bigger douchebag than him.
#3 Repetition — Mars rants about the repetitiveness of adult life.
#4 Strip Club —Mars and Palla entered a ‘strip club’.

JANUARY 26, 2021

JANUARY 26, 2021

Sa trabaho, kinausap ako nung isang may mataas na posisyon. Ang sabi niya e masyado raw akong close sa isa kong katrabahong babae at pinapayo niyang bigyan raw ng pantay na ‘atensyon’ ang iba kong katrabaho. Napapansin raw kasi nila, kapag nandoon siya, ganado ako magtrabaho. Kapag raw sa iba, hindi ganoon ang enerhiya ko. Sabi ko, “kakaiba naman ata iyang problema ninyo sa akin? ‘Di ba dapat matuwa pa kayo dahil ganado ako sa trabaho?”
Sumagot siya pabalik, ang sabi niya sa akin ay “Unfair daw sa iba”. May dalawa sila kasing sinisante noong Linggong iyon. Isang beterano na sa trabaho niya, senior kumbaga, at isang magdiriwang na sana ng anniversary kung ‘di lang siya natanggal. Tinuruan ako nung senior na iyon kung paano ang sistema sa dining area. Naging magkaibigan kami. Malapit ang loob namin sa isa’t isa. Kaso isang araw nahuli sila nung isang manager namin na nagkukulong sa utility room. Halos trenta minutos na raw ang nagdaan. Naghugas lang raw ng kamay iyong babae. Ang hinala nila, baka iba ang hinugasan. Laway ang pinanggamit.

Iba ang kaso, sabi nila. May asawa si lalaki, delikado kapag nalaman. Pagtapos silang pagsulatin ng incident report at kausapin ng counselor nung agency, tinanggal na sila ng wala man lang lay over. Wala nang next cut-off. Dining man and cashier girl, just fuck off, base sa desisyon ng kumpaniya. Paano ko nalaman ito? Nasa tabi nila ako, nagsusulat rin ng incident report dahil nawala iyong SIM card nung ATM ko na kailangan para makapag-withdraw. Hanggang sa oras na sinusulat ko ito, hindi ko pa rin makuha ang sahod ko.

Kaya laking gulat ko na lang nung marinig kong ginagawan kami ng isyu sa trabaho. Aba, putangina naman, saan ka makakakita na nagseselos ang katrabaho mo kasi ‘di mo sila binibigyan ng atensyon? Hindi ba sila dinidiligan ng mga asawa nila pag-uwi nila na aabot pa sa puntong sa akin pa sila nanghihingi ng atensyon? Hindi naman ako gaano kagandang lalaki e. Nainis ako sa narinig ko. Manager raw ang nakapansin sa pagiging close namin, at ang nagsabi lang sa akin ay ‘yung senior member sa store na kamukha ni Suneo.

Halos sumabog ako nung araw na iyon (mga dalawang araw na ang nakakalipas sa oras na isulat ko ito), sirang-sira na nga ang araw ko dahil sa mga sunud-sunod na kamalasan na natamo ko. Dapat kasi walang pasok ako nung araw na iyon pero inalis kasi nila iyong nag-iisang bihasa sa dining area kaya heto ako ngayon, panakip butas sa kakulangan ng staff sa kanila. Umaga pa lang, pagpasok ko, inutusan ako magdala ng cargo na mali pala ang nabitbit na items. Ako ang sinisi nila. Hindi ko naman alam ang shit nila sa kusina. Dining area ang balwarte ko e. Pagtapos kong magsulat na naman ng isang Incident Report, nagbukas ako ng Messenger para tignan ang group chat. Galit ang isang manager, sinabing hindi ko nga trabaho iyon. Win-win na kahit papaano.

Pagdating ng hapon, hapong-hapo na ako. Daming tao, bugso ang pagdating. Magkahalong inip, inis at takot ang naramdaman ko noon. Inip dahil pagkatagal-tagal sa pakiramdam ang anim na oras na shi(f)t. Inis dahil halos anim na gawain ang ginagawa ko nang sabay-sabay: maghatid ng order, kumuha ng order at magtanggal ng pinagkainan, mag-assist sa iba pang costumer, i-check ang banyo kada kinsi minutos para tignan kung may balahurang gago na naman na umihi sa lapag, edgelord na nagtambak ng tissue paper sa lapag, at matatandang hindi marunong mag-flush ng sarili nilang tubol. Ako rin ang atsay ng mga manager. Panhik-panaog para sa mga permit na ipinapasa sa Mall Admin Office, ako rin ang tagabili ng tanghalian ng mga manager, pati ang pagkuha ng deliveries. Ako rin ang tagatapon ng basura. Pero masaya ako kapag oras ng tapunan na, dahil ibig sabihin noon ay pauwi na ako.

Habang pinagkakasya ang mga basura na maliit na pushcart, inutusan akong bumili ng creamer sa grocery section. Timecheck— 4:10 PM. Twenty minutes bago ako mag-out. Isipin mo, bibili ka ng kape sa kanila tapos imbis na creamer na bagay sa Douwe Egberts ‘premium coffee’ mo ang dapat ibigay, putangina tatanungin ka kung okey ba ang KoPiMeYt?!? E ‘di sumibat ako kaagad para bumili, pagkadampot ko ng isang supot ng creamer, agad kong hinanap ang hand-carry lane, at hindi mo mabibilang sa kamay ang nakapila. Pagtapos ng mga trenta minutos, nakaraos rin ako sabay bumalik sa store. Ibinigay ang creamer, itinapon ang plastik at nagpatuloy sa pagtapon.

Pagkabalik ko, hinanap sa akin ng manager iyong resibo. Sabi ko naitapon ko na iyong plastik sa basurahan. Aba, pinapakalkal sa akin, ako raw kasi ang pagbabayarin noon. Hindi naman ako tanga, kaya nagtungo na lang ako sa cashier na pinagbayaran ko at nagpa-reprint ako ng resibo. Madali lang hanapin, isang item lang. Creamer, isanlibo ang ibinayad. 915.50 pesos ang sukli. Benga, big brain moment.

Pagbalik ko, sinalubong pa ako ng isyu. Oo alam ko, maganda iyong babaeng lagi kong kausap. Pero higit pa doon ang turing ko, kaibigan ko siya. Mahal ko ang mga kaibigan ko. Anong taon na, moderno na ang pamumuhay natin, kailangan na nating hubarin ang stereotypes na kapag may kaibigang babae ang isang lalaki, ibig sabihin ay nag-aabang lang. Iyong tatay ko nga ang best friend niya babae. Halos maghati na sila ng juice sa iisang straw. Nag-bike sa Hundred Islands na sampung piso lang ang dala. Nanonood ng sine na sila lang, pero walang malisya. Kasi magkaibigan lang sila. At ganoon rin kami.

For fuck’s sake, I’m too ace for this shit. (Confetti, pasabog, complimentary pancit palabok) Naiintindihan niya at nauunawaan ang mga gawa ko. Masaya ako kapag may taong nakaka-appreciate ng gawa ko. Marami akong kaibigang babae, dinadayo pa nga nila ako sa lugar ko, pero wala namang namumuong relasyon na romantiko. Tigilan na ang pag-assume na tawag ng laman at pag-ibig romantiko ang hanap kaagad ng isang magkaibigan na magkaiba ang kasarian. Hindi lahat ng tao malilibog at utak pagsosyota, NMax, hair gel at Christian Merck Grey vlogs ang laman ng utak. Maaaring ma-achieve ang isang relasyong kaibigan lang na hindi mo maiisipang ‘sayang dahil hindi sila’.

Tsaka, ano bang atensyon ang gusto ninyong makuha mula sa akin? Paano ko kayo kakausapin ng marahan kung pulos ulam, kantutan, lagay ng panahon at job matters ang lagi kong naririnig sa inyo? Kung hindi tayo click, hindi tayo kahit kailan magiging click. Ang tanging daan upang makilala ako ay sa mga akda ko, sa mga gusto kong kanta, pelikula, babasahin at usaping may dulot sa lipunan. Sawa na ako sa nonsense talks, masyado nang gipit ang oras natin para mag-usap tungkol sa mga bagay na hindi naman produktibo.

Sulit ba ang ibinibayad ninyo sa akin upang danasin kong lahat ito? Hindi, siyempre. Kung tutuusin, kulang pa sa isang tao ito. Hindi ako manhid o masokista o submissive na tao upang lunukin, tiisin at tanggapin na lamang ang lahat ng kakanseran ninyo sa buhay. Mahirap akong pakisamahan bilang tao, pero magaling akong makisama. Kung gusto mong kilalanin ako ng higit pa sa isang katrabaho, hindi ko na problemang ipakilala ko sa ‘yo ang sarili ko. Ang mga taong kaibigan ko at nasa loob ng aking bilog ay kakaunti lamang, ngunit itinuturing ko silang kayamanan. Hindi rin ako ekslusibong nakikipagkaibigan sa iisang kasarian lamang. Wala akong mindset na patriarchal o ano pa man, basta’t handa kang makipagusap sa akin tungkol sa mga gusto ko, pakikinggan rin kita sa mga bagay na gusto mo…na may halaga.

Dinamdam ko iyon, ni hindi naisalba ng caramel sundae ko ang naramdaman kong galit nung araw na iyon. Umaapaw ang pagkalumo, muhi at lungkot sa puso ko. Pakiramdam ko, naging talunan ako sa laro ng pakikisama. Akala ko na pantay na ang atensyon na ibinigay ko sa kanila base sa kanilang hinihinging dosage na palagay ko ay tama na sa kanila, may nangahas pang humingi ng sobra pa sa kaya nilang nguyain.

Oo, tinawagan ko ang kaibigan kong babae na iyon. Ilang buwan pa lang kami nagkakilala pero ang lapit na ng loob namin sa isa’t isa. Naalala ko si Grace sa kaniya. Si Grace, kahit nung unang beses kami nagkita ay tinuring niya akong parang matagal niya nang kaibigan, at dahil doon ay naging matalik kaming magkaibigan kasama nung isa kong kaibigan na si Tyrone na kaklase ko dati. Siya lang ang kumausap sa akin at bumasag sa ekspektasyon ko, kaya siya lang ang ka-close ko nung mga araw ko sa SHS. Kaya nga nung nagkaroon ng drama dati sa klase, ako ang ginawang mediator ng adviser namin dahil alam niya na wala akong ka-close ni isa sa mga kaklase ko liban kay Tyrone.

Kaso agad naputol ang pagkakaibigan namin ni Grace. Pumanaw kasi siya ng hindi inaasahan. Ang sakit sa puso na mamatayan ka ng isang tunay na kaibigan. Nagsisisi ako kung bakit ko nabura iyong nag-iisang kopya nung ginawa naming vlog.

Kaya nanumbalik ang pait dahil alam kong baka ilayo rin ang kaibigan ko dahil sa mga damuho kong katrabaho. Naiyak ako sa sakit, nanumbalik ang sakit. Mula nung nabuhay ako, ang hindi mabilang na mga kaibigan kong iniwan ako, mga kababatang itinapon na ang mga napagsamahan namin noon, mga kaibigang naging kaaway dahil sa mga dahilang napakababaw, at mga kaibigang hindi na muli nakita, narinig o nabalitaan man lang.

Mahal ko ang mga tao, totoo iyan. Ngunit madalas akong makaramdam ng pagkasulasok dahil sa tendensiya nilang makasira at makasakit ng damdamin. Sabi ng kaibigan kong katrabaho ko sa akin, huwag raw ako aalis sa trabahong iyon. Papatunayan raw namin ng magkasabay ang mga alegasyon na iyon at kung hindi sila makaintindi ay aalis kami at magtatrabaho sa ibang kumpaniya. Pero ako, ang nakikita ko lang ay ang kawalang kakuwentahan ng buong pangyayari. Bilib ako sa mga taong kayang gumawa ng kontrobersya mula sa hangin.

Tatlong araw na akong mainit at galit. Hindi ko na makontrol pa, kung anu-ano na ang aking naibato at nasira, nag-aalala na ang pamilya ko sa akin. Hindi ko rin nasulit ang rest day ko dahil may mga bisita. Naiilang ako sa kanila, kasi sanay na akong ginugugol ang pamamahinga nang payapa at nag-iisa. Hindi rin napagbigyan ang request kong hindi pumasok bukas, kulang sa staff kaya isang day-off muna. Putangina, masakit ang leeg ko at kailangan kong mapahilot ito, high-blood na rin ako dahil sa tatlong sunod na araw na galit ako. Masyado akong naapektuhan ng mga nangyari. Hindi ko alam kung kaya ko pang magpatuloy sa kanila o maghahanap na lang ako ng panibagong trabaho.

Malalim na ang sugat na ginawa nila sa akin, matagal pa bago ito maghilom, ang bawat pagpasok at mistulang asin na ibinubudbod sa sugat na iyon. At mukhang iyon lang ang tanging solusyon dahil kung hindi ay baka hindi ko na kayanin pa.

WAKAS

ON THE SHOOTINGS

ON THE SHOOTINGS | D.J. Anilao
6:26pm, December 21, 2020

If the year 2020 in the Philippines will be summarized in just a single sentence, it will be “the death of human rights”. From the strict and unjust hardcore authoritarian ways of the police and army during the COVID peak times of March to August, down to the blatant killings of helpless civilians by men in uniform, off and on duty—this horrific act of ‘macho fascist’ display of power of the killings of Sonya Gregorio and her son Frank Anthony over a petty argument that resulted in Jonel Nuezca, the suspect policeman pulling the trigger that killed the helpless two in broad daylight, cold blood.

If we do remember, President Rodrigo Duterte’s remarks of “not a single policemen or army will be put to jail” is just a plain display of his usual toxic masculinity, remember that it’s the same statement that made those servicemen today in our country brave about their acts of heinous crimes, because the president clearly stated that he will vouch for them no matter what. We saw that act famously in Debold Sinas’ infamous COVID birthday celebration and instead of being punished, he got promoted, a clear sign of the government clowning us.

In America, the killing of George Floyd struck the heart of millions of Americans with fury and chaos towards the authority as they do not prioritize human rights after all. I’m just surprised that despite all this struggle and fuckery we witnessed and are still witnessing up to this day, many are still defending this coward Nuezca and her daughter who served as the firewood to his father’s bonfire in social media. I am asking this question to fellow Filipinos: when we will start to wake up and act fast about this? Are we so desensitized now about the whole Duterte government bloodshed that we treat this incident as just another day in the wild world of the Philippines? Or I am witnessing the resurgence of modern indios that chooses to be silent amidst all of this and still believes in the fantasy that every institution has a ‘bad apple’?

Stand up now and remember this act of hideousness Nuezca committed, don’t just be contented by being shocked with the killing video this day and forgetting it even happened tomorrow.

DAN MANJARES, PROFESSIONAL SPOKEN WORD ARTIST

Hindi talaga ako mahilig sa spoken word poetry at maging sa mga tula simula pa nung magkaroon ako ng interes sa pagsusulat. Straightforward kasi akong tao, at ayokong magbasa ng iba’t ibang mabulaklak na salita na may iisa lang namang meaning. Sabihin niyo na lahat sa akin, wala talaga akong personal na galit sa art form na iyan, ‘di ko lang talaga siya taste.

Pero may isang pagkakataon sa buhay ko na sinubukan kong maki-ride on sa spoken word craze noong 2017 at 2018. Kahit na medyo nababaduyan ako sa mga over-the-top na emosyon ng mga spoken word artist habang pini-perform ang kanilang mga piyesa. Wasak na wasak ang boses madalas, malakas, may tonong makata at higit sa lahat—may matching big moves and facial expressions o ‘yung optional na pretentious interpretative dance moves na makikita mo sa mga medyo pang-rich kid na art themed cafés and bars. Nakita ko kung paano sumikat si Severo na na-feature pa sa isang pelikula na hindi ko na matandaan ang titulo, si Panagu na bigla na lang sumabog sa spoken word circles dahil sa self-mockery and realization na may kasamang optimism sa tula niya about sa pambubuska sa kaniya noong lumabas siya sa Wowowin.

Kako sa sarili ko, “the people love them, eto ang in ngayon” kaya umiral iyong opportunist mindset ko noong oras na iyon. I want to be the next hottest artist sa mundo ng spoken word. Pero saan ako magsisimula? Ayon, papaskil-paskil muna ng mga cringe attempts ko sa poetry sa aking account sa Facebook, na laking ikinagulat ko rin dahil may mga ilang willing na lumapa sa akda kong half-assed and highfalutin as fuck. I want to be funny and pondering at the same time, I want to capture the charm those two previous spoken word artists I mentioned had. Pero paano? Bukod sa literal na tatlong araw pa lang noon ang experience ko sa genre na iyon, dadalawa lang rin ang emosyon ko: poker face at antok. Akala ko nga borderline sociopath na ako e. Hindi pala, sadyang hindi lang talaga ako energetic na tao.

Days passed sa cyberworld at medyo gusto ko nang sumuko noon sa pagsusulat ng spoken word poetry. Sabi ko, hindi ‘to ang larangan na para sa akin. Extroverts thrive in this shit, not us! Pero noong naisip ko iyong kaibigan kong si Red na laman ng mga spoken word events dito sa probinsya namin at introvert siya, napag-alamang kong sadyang tamad lang talaga ako. Pero paano na ang jack of all trades philosophy ko? Gusto ko subukan lahat, at ang korni naman kung wala akong gaanong mapapala dito sa effort kong ‘to. Ayokong napupunta sa wala iyong mga proyektong pinaglaanan ko ng oras at pagod kasi. Mabilis ako magsawa, pero kapag naging interesado ako sa isang bagay, I’ll do my best to be on par sa mga ginawa kong modelo sa isipan ko.

Isang araw sa social media, iyong isa kong kaibigan doon, Hikari* ang pangalan niya (*not real name), nagpaskil siya na kailangan raw noong pinagtatrabahuhan niyang café sa Balagtas, Bulacan ng isa pang spoken word artist. Maraming nag-comment pero ni isa walang pumalag sa offer. Anong ginawa ko siyempre? E ‘di pinalagan ko muna, jokingly. Sabi ko, ako puwede, kikitain ko siya sa lugar that afternoon. Natandaan ko noon, nakatira ko sa ate ko and we are broke as fuck noong mga oras na iyon. Sinabi ko kay Ate na may offer na nga akong pumayag na puntahan, pero pabiro lang. Pero sabi niya, puntahan ko raw, kasi we are broke as fuck. Tangina, napasubo ako. Parang gusto ko na ayaw ko. Gusto ko, kasi kung makuha ko ‘yung trabaho, maaaring makabuo ako ng fanbase at makakamit ko iyong goal ko. Ayoko rin kasi sabi ko nga, mostly extrovert’s homecourt ang larangang iyan, at ayoko rin nahaharap sa maraming tao.

Pumayag ako na kitahin siya noong kinahapunan. Isinama ko iyong pinsan kong napadaan doon sa amin para hindi ako gaanong kabahan. Ang pangit nung garbo ko: oversized na cargo pants, matched with dad-type polo shirt na kupas, iyong pinsan ko naka-pambahay lang. Parehas kaming nakatsinelas. Mukha kaming pupunta lang ng palengke para mamili ng galunggong pamprito. Ayon, kinita namin siya nung hapon. Nagulat ako kay Hikari, malayong-malayo sa in-expect ko. Akala ko kamukha niya ‘yung karakter na anime sa DP niya. Mali ako, si Roderick Paulate pala ang kamukha niya. Nag-usap kami ng kaunti, small talks about sa syota niyang taga-Mindanao na wala namang akong pakialam kasi gusto ko lang talaga mag-perform ng tryout na para matapos na at malaman kung tanggap ba ako o hindi at makauwi na kami. Kailangan pa namin mag-antay ng isang buong oras bago magbukas ‘yung café.

Ayon, lumilipad lang isip ko sa mga pinagsasabi ni Hikari. Minsan nakatingin ako sa mga naglalaro ng arcade, madalas sa ngipin niyang tadtad ng tartar. Iba iyong laway niya, iba ang viscosity, mas malapot sa normal. Napanhik-panaog kami sa mall, lumabas sa emergency exit para tumambay para pakinggan siyang magsalita tungkol sa paborito niyang anime na wala rin akong pakialam kasi hindi ako anime fan tsaka sa syota niya ulit. Akala ko nga bading siya e, kasi iyong kilos niya at boses para talaga siyang miyembro ng pederasyon. Pero may syota e. Hindi naman ako rude sa kaniya, I responded well naman kahit hindi ako maka-relate. Nakitawa kahit plastik lang kasi wala talaga akong clue sa pinagsasabi niya o emotional attachment sa relasyon niya nung syota niya. Pero I have to give back the favor to him because he kept his word to meet me and offered me a shot at a job kasi homegrown artist na siya doon sa bar, at basically recommended ako niya sa mismong may-ari.

Maya-maya, nagbukas na iyong shop. Pumasok kami, kaunting greetings. Tapos nag-perform muna si Hikari, classic themes about being heartbroken. After all, the café’s name is Hugot, so nararapat lang talaga na ganoon ang topic na i-perform niya. Tapos, ako na iyong sumalang. Tangina, napaka-isolated ng posisyon ko: ako mag-isa sa gitna ng stage, tapos nakatingin lahat sa akin: si Hikari, iyong pinsan ko, iyong may-ari tapos iyong isa niya pang kasama. Bigla akong may naalala noon: wala akong piyesa. Putangina. Paano na? Hinugot ko iyong cellphone ko sa bulsa sabay tumingin sa menu sabay nagsalita. Literal na freestyle ang ginawa ko, siyempre sa dulo lang iyong may rhyme. Vague ang naalala ko sa temang nabuo mula roon pero ang dating nung spoken word freestyle na pini-perform ko e tungkol sa pag-iisa na napunta sa mga mapang-abusong kapitalista sa bansa, overexploitation sa mga yaman natin at may kaunti ring pangongonsensiya sa mga kabataan na huwag puro pag-ibig sa isa’t-isa kundi pag-ibig rin sa bayan.

Ewan ko kung pumalakpak ba sila noon o ano pero nagustuhan naman raw nung may-ari yung performance ko, may pa-libreng gourmet meryienda pa kami e, ang sarap putangina. ‘Makatang-makata’ raw ako. Sarap pakinggan. Basta raw ayusin ko lang pananamit ko raw sa susunod na show kasi hired na ako at puwede na ako mag-perform kinabukasan. Libre meal din, yeba.

Umuwi kami nung pinsan kong medyo pagod. Ewan ko kung masaya siya, kasi hinatak ko siya doon tapos gabi na kami nakauwi. At least may Cordon Bleu siyang nalamon. At may trabaho na ako. Natuwa naman si Ate. Pag-uwi, hinalukay ko iyong damitan ko para hanapin kung ano mang mga matitino kong damit na puwedeng masuot. Nasa point ako ng buhay ko noon na wala akong pakialam sa hitsura ko noon at susuotin ko kung anong mayroon, literal.

Kinabukasan nung hapon rin, umalis na ako ng bahay para pumunta doon sa café. Mas maaga ako kay Hikari kaya nagliwaliw muna ako. Wala akong pera noon bukod sa pamasahe ko pabalik na saktong-sakto lang na kapag nalaglagan ng piso e malilintikan ako. Napansin ko iyong banner ng café sa labas. May acoustic performance raw, tapos may performance mula sa kanilang homegrown spoken word performer, “J.D.” Taena, bakit wala ako doon? Bago lang kasi ako kaya kailangan kong patunayan ang sarili ko di ba, baka may space na rin ako sa tarpaulin nila kahit maliit lang sa future. Babaliktarin lang iyong J.D., tapos pangalan ko na iyon.

Maliit lang iyong café, kasya mga trenta katao plus yung space para sa performers. Pero marami pa rin iyon sa akin kasi ang isa ay kaunti, ang dalawa ay masyado nang marami. Si Hikari ang naunang nag-perform. Putangina, ang swabe ni gago. Galing magsulat tungkol sa kalandian at relationshits. Palakpakan ang mga putangina pagkatapos.

“It’s my turn!” sabi ko sa sarili ko. Pumunta ako sa stage at namili sa mga spoken word pieces na sinulat ko nung kinagabihan bago ang una kong araw sa Hugot Café. Iyong piyesa ko, parang re-tread lang nung lyrics ng “Somebody To Love” ng Queen kasi sabaw na ako noong oras na iyon pero Tagalog, mas cathartic at madrama. Lumipas ang limang minuto at natapos na ako. Walang pumalakpak. Kuliglig tsaka mga ngasab ng mga taong kumakain ‘yung tanging narinig ko. Puta, epic fail. Alam ni Hikari na awkward iyong nangyari. Sinubukan niya pa akong i-comfort nung sinabihan niya akong ang galing ko raw. Ulol, alam mo at alam kong dogshit ang performance ko na iyon. Pero hindi ko gaanong dinamdam kasi pagkatapos ng ilan pang piyesa na alternate naming na-perform, may libreng pa-meryienda na sa café, kahit ano puwede. Nahiya ako nung una kaya pasta lang tsaka juice in-order ko. Pero nung mga sumunod na araw, may audacity na akong mag-order ng steaks at tsaa na may walang hanggang refill. Matapos ng ilang set pa, umuwi na kami at ang sahod ko: tumatagingting na 300 pesos. Mas mataas kay Hikari kasi nga regular na siya doon pero hindi na rin masama sa pagsasayang ng laway at pambobola sa audience na sawi. Pinakuhanan ko rin ang sarili ko kay Hikari at iyon lang ang litrato ko sa pangyayaring iyon sa buhay ko.

Umuwi ako sa bahay kaso galit si Ate kasi walang ulam at kanin kaya dali-dali akong bumili. Ilang buwan pa lang rin kasi iyong anak niya at halatang nasa developmental stage pa lang siya ng pagiging ina.

Medyo gumaling rin ako sa pag-perform kahit papaano, pero wala pa ring pumalakpak gaano. Mas may pumalakpak pa at humiyaw doon sa kulot na tumutugtog ng acoustic na puro covers ang binabanatan. Kay Hikari naman, nagulat ako kasi may mga instance na on the spot siya gumawa ng mga tula tapos kapag binigkas niya sa mga manonood ang linis-linis, at iyong delivery? Mwah, mucho fantastico. Ako naman, sarili ko lang nagpapatatag sa akin. Pumalakpak ako sa isipan ko kasi kaya ko nang mag-perform sa harap ng mga tao. Ganoon rin ang sahod, okay naman. Kaso may problema: walang jeep paglagpas ng 7pm nung mga oras na iyon dahil ginagawa ang tulay banda sa ruta ng jeepney kasi nakitulog ako sa Tita ko malapit doon. Umaga na ako umuwi, galit na galit si Ate kasi wala pa silang kinakain. Bumili ako ng pagkain sabay natulog ulit. Paggising ko, kumuha lang ako ng pamasahe tapos binigay yung perang natira sa Ate ko, sabay umalis.

Sa pangatlong araw, hindi ako umuwi noon, sinadya kong makipagkita sa kaibigan kong si Ahlskie, at dumayo ako sa bahay niya para makipagusap sa kaniya about sa posibleng collaboration sa isang libro. Hindi pa rin iyon natuloy hanggang ngayon pero posible na dahil may contact na ulit ako sa kaniya.

Tapos nung panlimang araw, nag-drop ng isang bangers piece si Hikari. Spoken word epic about sa well, pag-ibig…pero ang konsepto ay binubuo ng mga diyamante galing Encantadia, bawat bato may katumbas na halaga sa relasyon. At talagang blown away iyong mga tao, nagpalakpakan…ulit sila. Ako naman, talagang nadala ako ng inggit kasi wala talagang pumalakpak sa akin gaano. Kaya habang nag-perform ako noon, medyo na-choke ako at wala namang nakinig kaya hindi ko tinapos. Sabay nag-stand up comedy na lang ako at nagkuwento ako about sa mga kagaguhan ko nung high school. At doon natawa sila at pumalakpak. Ang saya ko noon. Siguro talaga hindi para sa akin ang spoken word, pero salamat kay Hikari sa experience na makasilip sa buhay ng isang spoken word artist.

Medyo maliit iyong sahod nung araw na iyon kasi mahina ang benta. 150 lang ang sahod ko. Kaya nilakad ko na lang pauwi, sabi ko kay Ate ibibili ko siya ng kape pag-uwi. Kaso nung nakarating na ako sa bahay makalipas ng 2 oras, nagulat ako at wala akong madukot, naiwala ko iyong pera ko. Nalungkot ako siyempre, medyo maiiyak nga ako noon e. Kasi naglaan ako ng oras at pagod sa wala. Niyakap ako ni Ate, sinabi niya sa akin na okay lang raw iyon at mukhang hindi naman sulit ang pagtatrabaho doon kasi malayo at mahal ang pamasahe ko. Sinabi niyang nagkapera siya noong gabing iyon.

Hindi ko matandaan kung sinabi ko kay Hikari na ayoko na o nag-AWOL lang ako. Nakamit ko na iyong goal ko na mapalakpakan kahit isang beses lang, at tanggap ko naman na hindi ako para sa spoken word poetry dahil prosa ang gusto kong gawin talaga, at sana magbunga ang karera ni Hikari.

END